gmanetwork.com
@gmanetwork Thu, 19 Nov 2026 04:59:44
Furparents ng mga furbaby na natagpuan sa Bulacan, nanawagan ng hustisya | Dami Mong Alam, Kuya Kim!
FURPARENTS NG MGA FURBABY NA NATAGPUAN SA BULACAN, NANANAWAGAN NG HUSTISYA Ang ilang mga furparent ng mga pumanaw na hayop, gusto lang daw sanang ihatid sa huling hantungan ang kanilang alaga kung kaya't nagbayad sila ng cremation at funeral service sa isang pet crematorium sa Bacoor. Ngunit ang kanilang mapayapa sanang pag-alala sa kanilang sa mga ito, nauwi sa masamang balita. Ang pet crematorium kasi na kanilang binayaran hindi pala lehitimo? Katunayan, ang abo raw ng kanilang mga alagang hayop na kanilang pinaglamayan, hindi pala totoong abo ng kanilang pet! Ang totoong katawan ng mga ito, natagpuan na lang sa isang bakanteng lote sa Bulacan. Ang panawagan nila ngayon, hustisya para sa kanilang mga alaga. At para rin malaman ang totoong proseso ng isang pet cremation, bumisita si Kuya Kim sa isang lehitimong pet crematorium. Ano ang kanyang matutuklasan? Panoorin sa #DamiMongAlamKuyaKim!
read moreOther Headlines
Right Column Content